P10M FARM-TO-MARKET ROAD, NATAPOS NA SA CABATUAN, ISABELA

Cauayan City – Pormal nang napasakamay sa mga residente ng Brgy. La Paz, Cabatuan, Isabela ang proyektong farm-to-market road na nagkakahalaga ng P10 milyon.

Dinaluhan ng DSWD Regional Director Lucia Alan at mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Cabatuan ang turnover ceremony. Ang proyekto ay pinondohan sa tulong ni Senator Imee Marcos.

Upang mas mapakinabangan ng mga residente at mapaganda ang daan, ilalagay rin ang mga barrier at solar street lights bilang bahagi ng pagpapahusay sa bagong sementadong kalsada.


Malaking tulong ito sa mga magsasaka at komunidad para sa mas mabilis at maginhawang pagdadala ng kanilang mga produkto sa merkado.

Facebook Comments