P11 hanggang P12 na minimum fare sa jeep, ihihirit sa Enero!

Hihirit ng hanggang dalawang pisong dagdag sa minimum na pasahe sa jeep ang mga transport group pagpasok ng Enero.

Ito ay dahil na rin sa panibagong oil price increase at sa nakaambang dagdag-excise tax sa langis sa ilalim ng train law.

Ibig sabihin, mula sa kasalukuyang P9 hihilingin ng grupo na gawin itong P11 para sa unang apat na kilometro.


Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Pasang Masda President Obet Martin – bukod sa dagdag na buwis sa petrolyo may P10 taas-singil din umanong ipapataw ang world market.

Kaugnay nito, magsusumite ng consolidated petition ang iba’t ibang transport group sa LTFRB sa una o ikalawang linggo ng Enero.

Nagbabala naman si FEJODAP President Zeny Maranan na posibleng tumaas pa sa P12 ang hirit nilang minimum fare kung papalo sa P49 ang kada litro ng diesel.

Facebook Comments