P127 BILLION PROJECTS SA REHIYON II, NATAPOS NA

CAUAYAN CITY – Ibinalita ng Department of Works and Highways Region 02 na na kumpleto na ang aabot sa 4,148 projects na itinayo sa lambak ng Cagayan.

Sa pakikipagtulungan ng ahensya sa 11 district engineering offices sa Batanes, Cagayan, Nueva Vizcaya, at Quirino, natapos na ang pagtatayo at paggawa ng 762 road infrastructures, 163 bridge projects, 550 flood control, at 2,673 para sa ibang public works tulad ng pagpapatayo ng paaralan, multi-purpose buildings, rainwater collector system, at iba pang imprastraktura.

Kabilang sa pinakamalaking proyektong natapos ay ang Amulung Bypass Road, Tumauini Bypass Road, at Bayombong-Solano Bypass Roads. na kung saan nagkakahalaga ng P17.124 billion ang inilaan na budget para rito.


Watch more balita here: 𝟭,𝟬𝟴𝟳 𝗕𝗘𝗡𝗘𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗥𝗬𝗢, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝟭𝟱-𝗗𝗔𝗬 𝗖𝗔𝗦𝗛-𝗙𝗢𝗥-𝗪𝗢𝗥𝗞

Maliban sa mga kalsada, pinagtuunan din ng ahensya ng pansin ang drainage systems kung saan 334 flood control at drainage structure projects na nagkakahalaga ng P21.008 billion ang kanilang natapos na.

Kaugnay nito, sinabi ni Assistant Regional Director Editha R. Babaran, tututukan din nila ang pagpopromote ng turismo sa lambak-Cagayan na makatutulong naman upang mapalago pa ang economic development ng rehiyon.

Facebook Comments