Aabot sa P13.5 billion na pondo ang inaprubahan ng World Bank (WB) para sa Philippine Rural Development Project (PRDP) ng Department of Agriculture (DA).
Sa ilalim ng PRDP, layon nitong palakasin ang pagpa-plano at implementasyon ng kapasidad sa mga lokal na pamahalaan at organisasyon.
Susuportahan din ng proyekto ang 267 na climate-resilient rural infrastructure at 287 na enterprise development subprojects upang i-angat ang rural na komunidad sa bansa.
Matatandaang inaprubahan din ng European Union (EU) ang higit isang bilyong piso na pondo para sa PRDP.
Facebook Comments