P13-M jackpot prize ng Mega Lotto 6/45, paghahatian ng 2 mananaya

Maghahati ang dalawang manananaya sa jackpot prize ng Mega Lotto 6/45.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang mga mananaya ay galing sa Las Piñas at Laguna na nakatumpak ng winning combination na 23-12-05-06-17-29 sa ginanap na draw nitong Lunes, February 4.

Napanalunan nila ang kabuoang jackpot na ₱13,301,011 kung saan may tig-₱5,320,404 silang dalawa.


Para sa resulta ng iba pang lotto draws bisitahin ang official website ng pcso: www.pcso.gov.ph.

Facebook Comments