P136,000 na halaga ng shabu nakumpiska sa buy-bust operation ng QCPD at PDEA

Aabot sa P136,000 na halaga ng shabu ang nasamsam ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Quezon City Police District (QCPD) sa Barangay Kamias, Quezon City.

Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang drug suspect na si Patrick Alberto, 50 anyos

Nagkasundo ang operatiba at suspek na magkita sa Kamias Road corner K-10th Street, Brgy. East Kamias


Nang makabili ang poseur buyer ng shabu na nagkakahalaga ng P9,500 sa suspek, dito na ibinigay ang senyas at agad dinampot si Alberto.

Nakakuha pa ang mga otoridad sa suspek ng karagdagang 20 grams ng hinihinalang shabu na may estimated street value na P136,000.00, cellular phone na gamit nito sa transaksyon at ang buy-bust money.

Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa suspek.

Facebook Comments