Tatlong personalidad arestado sa ilegal na droga sa Pasig City

Kalaboso ang tatlong personalidad kabilang ang isang babae matapos na mahulihan ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Jacinto St., Brgy. Bambang, Pasig City.

Kinilala ang mga suspek na sina Ericson Ramos, 41 anyos, Gilbert Samson, 46 anyos, tubero at si Anjannet Honrada, 36 anyos, lahat ay napabilang sa watchlist ng Pasig PNP.

Batay sa imbestigasyon, ang tatlong mga suspek ay naaresto ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit ng Pasig City Police Station.


Narekober sa tatlong mga suspek ang siyam na pirasong plastic sachets na may lamang pinaghihinalaang shabu na may timbang na 25 gramo at nagkakahalaga ng P170,000 at P500 na ginamit sa buy-bust money.

Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa mga suspek.

Facebook Comments