P138M HALAGA NG 3 GUSALI, PINASINAYAAN SA IFUGAO

CAUAYAN CITY – Pinasinayaan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Ifugao Second District Engineering Office ang tatlong bagong gusali na nagkakahalaga ng P138 milyon sa Barangay Talite, Aguinaldo, Ifugao.

Ang seremonya ay pinangunahan nina Congressman Atty. Solomon Chungalao at Governor Jerry Dalipog, kasama ang mga kinatawan mula sa DPWH.

Ang tatlong bagong gusali ay kinabibilangan ng isang tatlong palapag na extension office ng pangunahing building, isang dalawang palapag na kwarto para sa mga empleyado, at isang tatlong palapag na kwarto para sa mga empleyado at guest house.


Ayon kay Second District Engineer Rommel Balajo, kasalukuyan ding itinatayo ang motorpool na may testing laboratory at multi-purpose hall, na target na matatapos sa loob ng apat na buwan.

Samantala, sinabi naman ni Congressman Chungalao na hinikayat niya ang pagkakaroon ng DPWH Second District sa lalawigan ng Ifugao upang matiyak ang patuloy na pondo para sa mga road networks at infrastructure sa mga bayan ng Banaue, Mayoyao, Aguinaldo, at Alfonso Lista.

Facebook Comments