P14.4 HALAGA NG MARIJUANA, SINUNOG SA PROBINSYA NG KALINGA

CAUAYAN CITY – Sinunog ng mga awtoridad ang 4,800 square meters na taniman ng Marijuana matapos ang isinagawang Marijuana Eradication Operation sa Barangay Basao, Tinglayan, Kalinga.

Ang operasyon ay sa pinag-sanib na pwersa ng PDEA Quirino Provincial Office, PDEA Kalinga Provincial Office, Kalinga Provincial Drug Enforcement Unit (PDUE) at Provincial Intelligence Unit (PIU), 2nd Coy KPMFC, at Tinglayan Municipal PS.

Sa ulat ng awtoridad, 72,000 na piraso ng marijuana ang naitanim at umabot sa mahigit P14-M ang halaga nito.


Samantala, ang operasyong isinagawa ng mga awtoridad ay mahalagang hakbangin sa paglaban sa mga ilegal na drug activities.

Facebook Comments