P14-MILYON, IPINAMAHAGI NI GOV. MAMBA SA CAGAYANO COPS

CAUAYAN CITY – Nakumpleto na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ang pamamahagi ng insentibo sa Cagayano Cops na nagsimula noong buwan ng Mayo.

Ayon sa Cagayan Provincial Information Office, nagkakahalaga ng P14,000,000 ang kabuuang halaga ng ipinamahagi sa tatlong (3) distrito ng Cagayan.

Mula naman ang nasabing pondo sa Peace and Order fund ng PGC para sa taong 2024.


Sakop din ng pondo ang paggawad ng PCG ng mga rescue at patrol vehicle sa lahat ng mga istasyon ng pulisya sa probinsya.

Layunin ng inisyatibong ito na mapalawak pa ng kapulisan ang kanilang pagmementena ng kaayusan at seguridad sa Cagayan.

Umaasa naman si Gov. Manuel Mamba na patuloy na pagsisilbihan ng pulisya ang maliliit na mamamayan at isasantabi ng mga ito ang kanilang personal na interest upang makapaglingkod ng buong puso sa bayan.

Facebook Comments