Ito ang inihayag ni POSD Chief Ret. Col. Pilarito Mallillin sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa kanya.
Ayon sa hepe, pansamantala lamang ang P15 na pama
sahe bilang tugon sa hiling ng grupo ng mga tsuper sa harap ng patuloy na tumataas ng presyo sa produktong petrolyo.
Paliwanag ni Mallillin, hindi basta-basta maiaalis ang P13.00 na regular fare dahil ito ay inaprubahang ordinansa ng konseho ng lungsod.
Kailangan aniya na amyendahan muna ang regular fare upang maisabatas ang hiling na P15.00 na pamasahe.
Kaugnay nito, maaari namang magsakay ng apat (4) na pasahero sa mga traysikel sa ilalim pa rin ng umiiral na Alert Level 1.
Samantala, mananatili pa rin aniya ang number coding scheme sa lahat ng pampasadang traysikel sa lungsod.
Paalala naman nito sa publiko na isangguni sa kanilang tanggapan anumang reklamo laban sa mga tsuper.