Tumanggap ang Philippine Red Cross (PRC) ng P15 milyong donasyon mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para sa COVID-19 response operations nito at iba pang serbisyo.
Ang nasabing donasyon ay kasabay ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa bansa ay bahagi ng partnership ng dalawang institusyon.
Ayon kay PRC Chairman at CEO Richard Gordon, ang BSP ay nagsisilbing partner nila sa loob ng maraming taon.
Ang BSP aniya ay naging donor ng PRC noong pre-pandemic kung saan kabilang sa mga unang nai-donate nito ay mga ambulansya para sa mga pasyenteng may COVID.
Sinabi naman ni BSP Governor Felipe Medalla na ipinakita sa atin ng pandemya na ang pampublikong kalusugan ay nagpapakita ng isang matatag na lipunan.
Itinuturo rin aniya nito sa atin na ang kalusugan ng publiko ay mahalaga sa ekonomiya
Pinasalamatan din ni Medalla ang PRC, Philippine General Hospital (PGH), Lung Center of the Philippines (LCP), Philippine Heart Center (PHC), at National Kidney and Transplant Institute (NKTI) para mailapit ang BSP sa publiko.