Inaprubahan na sa isinagawang special session ng City Council ng Santiago ang P18 milyong piso na halaga ng pondo para sa housing project ng lokal na pamahalaan ng Lungsod.
Hiniling ito ni City Mayor Sheena Tan para sa planong pagbili ng lupa sa Barangay Dubinan na gagawing tirahan ng mga informal settlers o mga pamilyang walang tirahan.
Layon din nito na mabawasan ang mga squatters o pagala-galang pamilya sa Siyudad.
Kaugnay nito ay wala pang pinal na araw kung kailan naman sisimulan ang nasabing proyekto.
Samantala, hindi pa nagbibigay ng pahayag ang may-ari ng lupa na tatayuan ng pabahay sa nabanggit na barangay kung pabor o tutol ito sa halagang gustong ibili ng LGU Santiago.
Facebook Comments