P180 bilyon economic stimulus, inihahanda na ng pamahalaan

Naghahanda na ang pamahalaan na gamitin ang P140 bilyon para sa economic stimulus plan ngayong taon.

Ito ang inanunsyo ng Department of Finance kung saan ang bagong datos ay sakop ang pagpopondo sa COVID-19 response at economic recovery program, sapat para sa taong 2020 at 2021.

Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, ang P140 bilyon ay maaaring dagdagan ng P40 bilyon na tax credits na manggagaling sa Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Bill.


Ang CREATE Bill ay recalibrated version ng comprehensive tax reform program ng pamahalaan o dating mas kilala bilang Corporate Income Tax and Incentives Reform Act (CITIRA).

Nakapaloob sa 180 billion pesos stimulus ang pagpagsok ng 50 billion pesos sa banking system na mayroong ‘multiplier effect’ na walo hanggang sampung beses, o katumbas ng 400 billion pesos na halaga ng economic activity.

Nasa P5 bilyon ang mapupunta sa credit guarantee program para sa mga apektadong negosyo na mayroong multiplier effect na nasa 20 beses o katumbas ng P100 bilyon na halaga ng economic activity.

Nabatid na naitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang 16.5% na pagbagsak ng Gross Domestic Product (GDP) na nagdulot ng economic recession sa Pilipinas.

Facebook Comments