Tumugon ang European Union at pamahalaan ng Sweden, Australia, United States, Germany at New Zealand sa panawagan ng United Nations (UN) na makalikom ng 182 million pesos para 260,000 na Pilipinong nasalanta ng Bagyong Rolly at Ulysses.
Ayon kay UN Resident Coordinator and Humanitarian Coordinator Gustavo Gonzalez, sa tulong ng resource partners, ang UN at humanitarian community ay nagawang maisakatuparan ang emergency relief assistance at early recovery efforts para makabangon muli ang mga Pilipinong pinadapa ng mga nagdaang kalamidad.
Maraming pamahalaan din ang nagpaabot ng donasyon sa Red Cross at Red Crescent Societies kabilang ang New Zealand na nagbigay ng ₱7.2 million.
Nagpapasalamat naman ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa tulong ng international community at pagpapakita ng pagsuport sa mga Pilipino.