Labingwalong farm sites sa Kalinga Province ang sinalakay ng mga pulis at pinagsisira ang mga fully grown marijuana plants nitong araw ng Huwebes at Biyernes.
Aabot sa 795,000 fully grown marijuana plants ang kanilang pinagsisira.
Ayon kay Philippine National Polie (PNP) Chief General Guillermo Eleazar, aabot sa 7.1 hectares ng marijuana plantation sites ang nadiskubre sa Mt. Chumanchil, Barangay Loccong, at sa Sitio Ballay, Barangay Tulgao, sa munisipyo ng Tinglayan.
Nakakuha rin ang mga pulis ng 52.2 kilograms ng dried marijuana leaves, stalks, at 14 na bote ng Cannabis Oil.
Sa ngayon, imiimbestigahan na ng PNP Drug Enforcement Group ang mga may-ari at caretaker ng mga nadiskubreng farm.
Facebook Comments