Mga pasaherong magmumula sa green at yellow countries, sasailalim pa rin sa quarantine at testing protocols sa Pilipinas

79

Nilinaw ng Bureau of Immigration (BI) na dadaan pa rin sa quarantine at testing protocols ng Bureau of Quarantine (BOQ) ang mga pasaherong dadating sa bansa mula sa itinuturing na green at yellow countries

Ang paglilinaw ng BI ay kasunod ng travel ban ng Pilipinas sa apat na mga bansa epektibo bukas, September 19 hanggang sa September 30


Kabilang dito ang Grenada, Papua New Guinea, Serbia, at Slovenia.

Nilinaw naman ng Bureau of Immigration na ang mga pasahero lamang na papayagan pumasok ng Pilipinas mula sa yellow at green countries ay mga Pilipino, balikbayan at mga dayuhan na may valid at existing visa.

Facebook Comments