
Sinira ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang 14.3 milyong pakete ng illicit cigarettes sa may 12 sites sa bansa.
Ayon kay Commissioner Romeo D. Lumagui Jr., ang Porac, Pampanga, ang magsisilbing primary destruction hub ng isinasagawang nationwide destruction activities.
Ang large-scale operation ay pinangasiwaan ng Office of the Commissioner sa pamamagitan ng Large Taxpayers Service, ng Operations Groups, at ng 19 Revenue Regions.
Sinabi ni Commissioner Lumagui na ang pagwasak sa mga illicit goods ay bahagi ng commitment ng ahensiya na mawalis ang mga illicit trade at mapangalagaan ang mga legitimate businesses.
Sa kabuuan, nasa 14.3-M na pakete ng illicit cigarettes na may halagang P21-B at may estimate tax liability na P6.4-B ang sinira simula kahapon at matatapos sa February 28, 2025.
Bukod sa confiscation at destruction, magsasampa rin ang BIR ng multiple criminal cases laban sa indibidwal at companya na sangkot sa illegal trade.