Philippine Army, kinondena ang nangyaring pamamaril sa bise alkalde ng Datu Piang, Maguindanao del Sur

Mariing kinondena ng 6th Infantry Division ng Philippine Army ang pag-atake kay Vice Mayor Omar Samama ng Datu Piang, Maguindanao del Sur.

Ang re-electionist vice mayor ay binaril at tinamaan sa tiyan habang nagtatalumpati sa isang evacuation center kahapon ng umaga.

Ayon kay BGen. Donald Gumiran, Commander ng Joint Task Force Central ng 6th Infantry Division, isang insulto sa kapayapaan at seguridad sa rehiyon ang naturang insidente.

Patuloy rin silang nakipag-uugnayan sa Philippine National Police (PNP) at iba pang ahensya ng pamahalaan upang mapabilis ang imbestigasyon at mapanagot ang mga nasa likod ng krimen.

Kasunod nito, hinimok nito ang publiko na manatiling mapagmatyag at makipagtulungan sa mga awtoridad sa pagbibigay ng mahahalagang impormasyon para sa ikareresolba ng krimen.

Facebook Comments