P2.4-M na halaga ng marijuana, nasabat ng PDEA sa Tuba, Benguet

Abot sa P2.4-M na halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa buy-bust operation sa Poblacion, Tuba, Benguet.

Nagresulta ito sa pagka-aresto ng dalawa katao at isang menor de edad na lalake.

Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang mga arestado na sina:
1. Laista Pedro, 20-anyos, residente ng Kibungan, Benguet;
2. Jimmer Bedkingan, 27-anyos ng Atok, Benguet;
3. Ang batang lalakeng menor de edad ay dinala na sa Local Social Welfare Development Office.


Ayon kay Villanueva, ikinasa ang entrapment operation matapos silang makatanggap ng impormasyon.

Nasamsam sa mga suspek ang dalawampung piraso ng tubular form na naka-packaging tape na naglalaman ng dried stalks at marijuana leaves na may timbang na humigit kumulang na 20 kilos, buy-bust money, apat na pirasong cellular phone at ang Tamaraw FX na gamit nila sa transportasyon.

Facebook Comments