P2-M HALAGA NG AYUDA, IPINAMAHAGI SA CAGAYAN

Tinatayang nasa P2,106,500 halaga ng honoraria ang iginawad sa mga benepisyaryo mula sa mga bayan ng Alcala East at Baggao sa lambak ng Cagayan, nitong ika-7 ng Oktubre, taong kasalukuyan.

Ang nasabing pamamahagi ay nakapaloob sa programang “No Barangay Left Behind” (NBLB) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan.

Para sa unang araw ng pagbibigay tulong pinansyal at honoraria sa bayan ng Baggao ay tinatayang umabot sa P536,000 ang naipamahagi para sa 180 barangay tanod, 141 Barangay Health Workers, 10 Barangay Nutrition Scholars, at 36 na day care workers.

Samantala, tinatayang nasa P2,106,500 kabuuang halaga ng tulong pinansyal ang naipamahagi sa 247 barangay foot soldiers sa bayan naman ng Alcala East sa parehong araw.

Kaugnay nito, namahagi rin ng tulong pinansyal ang PGC na nagkakahalaga ng nasa P1,712,000 para sa mga Cagayanong kabilang sa vulnerable sector na apektado ng sakit na COVID-19.

Pinangunahan ni 1st District Board Member Atty. Romeo Garcia ang nasabing distribusyon kasama ang mga opisina ng Provincial Treasury, Provincial Office for People Empowerment, Provincial Social Welfare and Development Office, at Provincial Health Office.

Facebook Comments