Nilagdaan na ng Pilipinas at Asian Development Bank (ADB) ang 400 million dollars o 20 billion pesos loan deal na susuporta sa hakbang ng pamahalaan para palakasin ang domestic capital markets ng ekonomiya ng bansa.
Kasama sa lumagda sina Department of Finance (DOF) Sec. Carlos Dominguez III at si ADB Country Director for the Philippines Kelly Bird.
Inaasahang palalakasin ng loan ang kakayahan ng domestic capital markets na dagdagan ang suplay ng long-term finance para suportahan ang mga investment at payagan ang pribadong sektor na pondohan ang imprastraktura sa pamamagitan ng capital markets.
Samantala, ang palitan ng piso kontra US dollar ay P49.98.
Facebook Comments