
Mabibili na rin ang P20 na bigas sa Baguio City.
Inilunsad ng DA ang P20 kilong bigas sa harap ng Baguio City Hall, kasabay ng pagdiriwang ng Panagbenga Festival.
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Genevieve Velicaria-Guevarra, kabuuang 500 benepisyaryo ang nakinabang sa murang bigas mula sa iba’t ibang prayoridad na sektor.
Target pa ng DA-Cordillera Administrative Region na palawakin ang sakop ng programa at nakatakdang magsagawa ng isa pang paglulunsad sa Marso 3, 2026.
Kaugnay nito, gagamitin na rin ng DA ang KADIWA ng Pangulo Store para magbenta ng murang bigas.
Facebook Comments









