Mangangailangan ang pamahalaan ng ₱20 bilyon pondo para mabakunahan kontra COVID-19 ang mga nakababatang populasyon ng bansa.
Ayon kay Finance Sec. Carlos Dominguez III, ₱20 bilyon ang pondo na kailangan ng Pilipinas upang mabakunahan ang nasa 15-milyong teenagers sa Pilipinas.
Nag-ugat ang pahayag na ito ni Dominguez matapos aprubahan ng US Food and Drug Administration ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga 12-taon hanggang 15-taong gulang gamit ang Pfizer vaccine.
Sa ilalim ng 2021 General Appropriation Act (GAA), nasa P82.5 bilyon ang inilaang pondo ng pamahalaan para sa pagbabakuna ng 55% ng kabuuang populasyon ng bansa.
Bukod pa ito sa mga inutang na pondo ng pamahalaan at sa mga donasyong bakuna sa Pilipinas.
Facebook Comments