Tinatayang nasa P20.8M na halaga ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) assistance mula sa Department of Labor and Employment – Isabela Field Office (IFO) ang naipamahagi sa may kabuuang 5,580 benepisyaryo mula sa iba’t ibang bayan ng Isabela.
Kabilang ang mga bayan ng Tumauini na may 225 benepisyaryo; San Pablo, 411; Angadanan, 970, San Guillermo, 700; at San Isidro na may 400 benepisyaryo sa mga nabenepisyuhan ng programa.
Sila ay tumanggap ng kanilang mga sahod kapalit ng sampung araw na pagtatrabaho sa kanilang mga barangay.
Sinabi ni DOLE RO2 Regional Director Joel Gonzales na ang patuloy na tulong na ibinibigay ng DOLE sa mga benepisyaryo ay lumawak na sa mga naapektuhan ng kalamidad at iba pang sakuna nitong mga nakaraang taon.
Facebook Comments