P20-M NA TANIMAN NG MARIJUANA, SINUNOG SA TINGLAYAN, KALINGA

Cauayan City, Isabela-Aabot sa P20 million ang halaga ng sinirang tanim na marijuana sa Barangay Loccong, Tinglayan, Kalinga sa tatlong araw na operasyon ng pinagsanib na pwersa ng mga tauhan ng PNP Drug Enforcement Group, PDEA, Kalinga Police Provincial Office at Tinglayan Municipal Station.

Tinatayang 100,000 piraso naman ng marijuana plants ang binunot at sinunog ng mga awtoridad sa lugar mula sa 10,000 square meters na malawak na taniman.

Wala namang nahuling indibidwal na posibleng nasa likod ng malawak na tanim ng marijuana.

Samantala, arestado naman ang suspek na si Jeffrey Dulay Medina, 29-anyos sa isinagawang buy-bust operation sa Pico, La Trinidad matapos itong magbenta sa isang operatiba na nagsilbing poseur buyer ng isang (1) plastic sachet naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 0.16 gramo na may SDP na Php 1,088.00.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments