Tinatayang P200 milyon habang 100,000 hanggang 200,000 trabaho ang mawawala sa Pilipinas matapos muling isailalim sa Alert Level 3 ang National Capital Region (NCR).
Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, ang nasabing halaga at bilang ng trabaho ang nalikha nang isailalim sa Alert Level 2 ang Metro Manila kaya ito rin ang mawawala ngayong nasa Alert Level 3 ang rehiyon.
Gayunman, oobserbahan pa aniya ang mga numerong ito sa loob ng dalawang linggo na pagsasailalim sa Metro Manila sa Alert Level 3.
Sinabi naman ni Lopez na kailangang isinailalim sa Alert Level 3 ang Metro Manila dahil sa banta ng Omicron variant.
Facebook Comments