National Shrine of St. Jude Thaddeus sa Maynila, pansamantalang isinara; ilang staff, positibo sa COVID-19

38

Pansamantalang isinara ang National Shrine of St. Jude Thaddeus sa San Miguel, Maynila hanggang sa January 14.

Ito ay matapos na magpositibo sa COVID-19 ang isang pari at 3 tauhan ng simbahan.

Ayon kay Parish Priest Fr. Lino Nicasio, bibigyang-daan nila ang pagsasagawa ng disinfection sa loob ng simbahan kaya inaabisuhan ang publiko na iwasan munang magtungo rito.


Epektibo mula noong December 31, 2021 isinara ang nasabing simbahan.

Facebook Comments