P20,000 ‘ayuda’ para sa ECC pensions, matatanggap ngayong buwan – DOLE

Matatanggap na ngayong buwan ng mga kwalipikadong pensyonado ng Employees Compensation Commission (ECC) ang one-time bigtime cash aid na ₱20,000.

Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, ang paglalabas ng financial assistance ay magiging “by batch” sa 32,000 ECC pensioners sa pamamagitan ng Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS) – ang mga administering agencies para sa private at public sector.

Sinabi ni ECC Executive Director Stella Zipagan-Banawis, ang mga qualified EC pensioners ay hindi na kailangang mag-apply para sa financial assistance dahil ipinoproseso ito tulad ng pagpoproseso ng kanilang EC pensions.


Makikinabang sa one-time financial assistance ang mga pensyonadong may permanent partial disability (PPD), permanent total disability (PTD), o may survivorship pension mula January 1, 2020 hanggang May 31, 2021.

Sakaling namatay ang pensioner sa nabanggit na prescribed period, ang ayuda ay ibibigay sa kanyang dependents o beneficiary.

Facebook Comments