P200,000, ibinigay ng Mandaluyong City Government sa 2 lola na Centenarians

Halos hindi maipinta ang mukha sa kaligayahan ang nadama ng dalawang lola na kapwa 100 taong gulang matapos na matanggap ang tig-P100,000 halaga ng tseke mula mismo kay Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos.

Sina Lorena Dizon, 100 taong gulang, residente ng Barangay Plain View, Mandaluyong City at Honirata Galvez, residente naman ng Brgy. old Zaniga Mandaluyong City ay tuwang-tuwang makaraang matanggap ang tseke na nagkakahalaga ng P100,000.

Ayon kay Louie Espinosa, Head Officer ng Senior Citizen Affair, mapalad sina lola Dizon at Galvez kapwa 100 taon na nabigyan ng tig-P100,000 ng Mandaluyong City Government bukod pa sa ibibigay ng National Goverment na P100,000 bawat isa sa dalawang lola na umabot sa 100 taong gulang.


Paliwanag ni Espinosa, sa panahong ito bihira lamang ang isang tao na makaaabot ng 100 taong gulang dahil sa lifestyle at mga kinakain na rin ng bawat isang Filipino.

Hinikayat ng pamunuan ng Mandaluyong City Government ang mga residente na palagiang mag-ehersisyo at kumain ng mga masustansiyang pagkain upang matularan ang dalawang lola na umabot gg isang daang taong gulang dahil sa kanilang ipinamalas na disiplina sa sarili.

Facebook Comments