Mga mag-aaral ng Halang Elementary School, nagtutulungan sa Cainta Rizal

40

Masayang nag-aaral ang mga mag-aaral na pawang mga Grade 1 pupil ng Halang Elementary School sa Cainta Rizal, kung saan ay kapwa nagtutulungan o nagbabahagian ng kanilang mga kaalaman sa Cainta Rizal.

Sina Steven Aristopeles, 6-anyos, Grade 1, at Princess Bautista, 7-anyos, Grade 1, kapwa nag-aaral sa Halang Elementary School.

Ngayong simula na ang klase sa mga pampublikong paaralan, abalang-abala ang mga mag-aaral ng Halang Elementary School sa sariling sikap na mag-aral katuwang ang kanilang mga kaklase habang ginagabayan ng kani-kanilang mga magulang ang mga mag-aaral.

Paliwanag nina Maria Cristina Bautista at Aycel Aristopeles, kapwa mga magulang nina Steven at Princess hindi na umano sila nahihirapang turuan ang kani-kanilang mga anak dahil kapwa nagtutulungan sa isat-isa ang dalawa.

Dagdag pa nina Bautista at Aristopeles, tuloy ang kanilang gawain sa bahay habang pinagmamasdan ang kanilang mga anak na seryosong nag-aaral upang makatapos at maiahon sila sa kahirapan.

Facebook Comments