P200,000, Ipagkakaloob ng DOST-Isabela para sa Former Rebels

32

Cauayan City, Isabela- Pormal nang lumagda sa Memorandum of Agreement (MOA) ang LGU Jones, Department of Science and Technology (DOST) Region 2, at 86th Infantry (Highlander) Battalion para sa Project CEST o Community Empowerment through Science and Technology noong ika-6 ng Mayo 2021.

Mismong si Mayor Leticia Sebastian; DOST Provincial Director Lucio Calimag; at 2LT JUDILY ANN C BUGANTE, CMO Officer ng 86IB ang lumagda sa kasunduan.


Nakapaloob sa MOA ang matulungan ang mga dating rebelde at mga residente na nasa conflict affected areas sa naturang bayan.

Nangako naman ang DOST na magbibigay ng P200,000 upang masimulan na ang naturang programa.

Kamakailan lang, nagbigay na rin ang DOST-Isabela ng pagsasanay sa mga dating rebelde na nasa pangangalaga ng 86IB na bahagi pa rin ng programa ng NTF-ELCAC para sa pagpapaunlad ng kanilang kabuhayan.

Taos pusong nagpapasalamat naman ang 86IB sa DOST-Isabela at lokal na pamahalaan ng Jones, Isabela sa kanilang patuloy na pagsuporta upang maiparating ang tulong sa mga dating rebelde at residente ng nasabing bayan.



Facebook Comments