P200,000 Libo ng kilalang Brand ng Sigarilyo, Nasabat sa Checkpoint ng Pulisya

*Cauayan City, Isabela*- Tinatayang nagkakahalaga ng P200,000 libong piso market value ang nakumpiskang iligal na pagpuslit ng apat na katao sa kilalang brand ng sigarilyo matapos ang inilatag na checkpoint ng pulisya sa Brgy. Maddarulug, Solana, Cagayan.

Kinilala ang mga suspek na sina Elpidio Reyes alyas ‘Idiong’, driver, 63 anyos, Marina Mallari, 51anyos, Jessy De Guzman, 41anyos pawang residente ng San Rafael, Bulacan at Orlando Galang, 44-anyos na residente ng Nueva Ecija.

Ayon sa Solana Police Station, umabot ng 15 karton ng sigarilyong mighty at marvel brand ang ibebenta sana sa Bayan ng Solana sa halagang P20,000 lamang.


Nahaharap naman sa kasong paglabag sa Consumer Act of the Philippines, Intellectual Property Right at National Internal Revenue Act ang apat na suspek.

Facebook Comments