Nasabat ng Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) ang P21 million halaga ng iligal na droga sa isinagawa nilang simultaneous anti-criminality law enforcement operations sa nagdaang pitong araw.
Ayon kay PDEG Director Narciso Domingo, sa 45 ikinasang operasyon sa buong bansa, 12 dito ang buy bust operations, 30 ang paghahain ng mandamyento de aresto at dalawa naman ang pagsisilbi ng search warrant.
Bukod pa aniya ito sa pagsira ng P10-M halaga ng taniman ng marijuana na nagresulta sa pagkaka-aresto ng 46 na mga suspek.
Kasunod nito, nangako si Domingo na mas paiigtingin pa ng PDEG ang kanilang operasyon sa pamamagitan ng BIDA program nang sa ganon ay matuldukan na ang pamamayagpag ng iligal na droga sa bansa.
Facebook Comments