Manila, Philippines – Iginiit ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth na kailangan ng gobyerno ng 22 billion pesos para sa implementation ng Universal Health Care (UHC) Law.
Ayon kay PhilHealth President and CEO Roy Ferrer – maninindigan silang makahingi ng 18 billion pesos mula sa General Appropriations Act at 217 billion pesos mula sa premium collections.
Maliban dito, makakatanggap din sila ng pondo mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR at Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO.
Minamandato sa ilalim ng UHC ang automatic enrollment ng lahat ng mga Pilipino sa PhilHealth.
Palalawigin din ng PhilHealth ang benefit packages nito para sa treatment at diagnostics.
Facebook Comments