P224-M NA HALAGA NG CABAGAN BYPASS ROAD, NAKUMPLETO NA ANG KONSTRUKSYON-DPWH 2

Cauayan City, Isabela- Natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 2 ang P224 million na na halaga ng konstruksyon sa Cabagan Bypass Road sa probinsya ng Isabela.

Inihayag ni DPWH-2 Regional Director Loreta Malaluan na ang natapos na bypass road ay magbubukas para sa lalo pang ikauunlad pa industriya at makalikha ng bagong oportunidad sa trabaho.

Magbibigay din aniya ito ng kaginhawahan sa pagdadala ng mga produktong pang-agrikultura at komersyal mula sa kanayunan patungo sa mga lungsod na sentro ng ekonomiya.

Ang fourlane bypass road ay nilagyan ng mga poste ng ilaw at naglaan din ng sidewalks at bicycle lanes kung saan makakabawas ito ng mahabang oras ng biyahe sa 10 hanggang 20 minuto.

Nasa 15,000 biyahero ang makikinabang sa bagong gawang proyekto at inaasahang mababawasan ng ilang oras ang matagal na biyahe.

Ang naturang proyekto ay pinondohan sa ilalim ng Regular Infrastructure Program FY 2018-2020, na may bagong ruta na madadaanan ang mga Barangay ng Ngarag, Poblacion at Ugad patungo sa bayan ng Tumauini.

Magsisilbi ring tourism and recreational area para sa mga residente at bibisita ang iconic superhighway type road.

Facebook Comments