P25-MILLION | Nalikom na reward money ng mga kongresista para sa ikadarakip ng suspek sa pagpatay kay Cong. Batocabe, pumalo na

Pumalo na sa P25-million ang nalikom na pera ng mga Kongresista na gagamiting reward money para sa agarang ikadarakip ng suspek at mastermind sa pagpatay kay Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe.

Ito ang kinumpirma ng kasamahan niyang si Cong. Alfredo Garbin.

Ngayong araw, nakaburol sa kanyang hometown sa Daraga, Albay ang namayapang Kongresista.


Magsisimula ang public viewing mamayang alas 10:00 ng gabi.

Ayon kay Garbin, posibleng iluwas ang labi ni Batocabe para magkaroon ng necrological services sa batasan pambansa.

Facebook Comments