Nasabat ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang P2.6 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo at naaresto ang isang lalaki sa operasyon sa Aplaya, Hagonoy, Davao del Sur.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief BGen. Rhoderick Augustus Alba ang naaresto ay kinilalang si Tapsaren Alibasa, 47 anyos residente ng Davao del Sur.
Nahuli siya matapos na magbenta ng anim na packs ng smuggled branded cigarettes sa isang pulis na nagpanggap na buyer.
Narekober sa kanya ang 690 boxes ng smuggled cigarettes na iba’t ibang brands na may estimate value na P27 million.
Nakuhaan din ang suspek ng dalawang baril at mga bala.
Sa ngayon, nasa custody na ng Bureau of Customs (BUCOR) ang mga nakuhang smuggled cigarettes habang ang suspek ay nakakulong na sa Hagonoy Municipal Police Station para sa documentation at proper disposition.