Team Lani Cayetano, nagsagawa ng grand proclamation rally sa Lakeshore C6 Road Bicutan, Taguig

Nagsagawa ng grand proclamation rally ang TLC o Team Lani Cayetano na may temang “Think Big, Dream Big Love” sa Lakeshore C6 Road Bicutan, Taguig City.

Tinatayang aabot sa 10,000 katao ang dumagsa sa event place ng Lakeshore.

 

Bago ang aktibidad, nagsagawa muna ng bike caravan ang TLC sa Taguig.


Bago pormal na sinimulan ang campaign kick-off, inaliw muna ng mga host na mula sa Beks Battalion at mga home-grown talents ng Taguig ang mga taga-suporta ng TLC.

Pinangunahan ni dating House Speaker at ngayon ay nagbabalik Senado na si Allan Peter Cayetano ang proklamasyon ng mga tumatakbong kandidato sa ilalim ng TLC.

Kinabibilangan ito nina re-electionist Mayor Lani Cayetano at ng kaniyang vice mayoralty candidate na si Arvin Alit, dalawang congressman at 12 tumatakbong councilors

Sa kaniyang mensahe, sinabi ni dating Houses Speaker Cayetano na sa pamamagitan ng TLC, maipagpapatuloy ang mga nailatag na programa sa nakalipas na 12 taon.

Aniya, layunin din ng TLC na makamit ang zero unemployment sa Taguig.

Facebook Comments