P27-B na utang sa mga ospital sa buong bansa, babayaran ng PhilHealth sa loob ng 90 araw

Sa budget hearing na pinangunahan ng House Committee on Appropriations ay inilahad ni Agri Party-list Representative Wilbert Lee na maraming mga ospital ang ayaw ng tumanggap ng pasyente dahil sa laki ng utang sa kanila ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth.

Ayon kay PhilHealth President at CEO Emmanuel Ledesma, nasa P27 billion ngayon ang utang ng PhilHealth sa mga ospital na kanilang babayaran sa loob ng 90 araw.

Sa budget hearing ay inungkat naman ni Anakalusugan Party-list Rep. Ray Reyes ang 2022 report ng Commission on Audit o COA na nagpapakita na naging triple ang pagtaas ng sahod ng PhilHealth officials.


Paliwanag naman ni PhilHealth Corporate Spokesperson Dr. Ish Pargas, ang naturang salary increase ay batay sa Executive Order 150 na galing sa Malakanyang para sa standardization ng mga sahod.

Facebook Comments