P2K financial assistance, ibibigay sa mga tricycle drivers sa Makati

Ipinag-utos na ni Makati Mayor Abby Binay ang pagbibigay ng financial assistance sa mga tricycle drivers ng lungsod.

Ito ay kasunod na rin ng ipinapatupad na enhanced community quarantine kung saan ipinagbabawal muna ang pagbiyahe ng anumang pampublikong sasakyan.

Sa kautusan ng Alkalde, P2, 000 ang paunang pinansyal na tulong na maibibigay para sa 5,952 na tricycle drivers sa Makati.


Sakop ng naturang halaga ang unang dalawang linggo ng community quarantine sa lungsod.

Inihahanda na rin ng lokal na pamahalaan ng Makati ang financial package para naman sa mga jeepney drivers sa lungsod.

Facebook Comments