P2M pa-booking? Jackie Rice, tinawanan ang pagkakadawit sa isang escort service site

6509
Photos via Instagram/@jackierice

Idinaan sa biro ng aktres na si Jackie Rice ang pagkakasama ng pangalan niya sa isang website na nagbibigay umano ng “escort service.”

Ibinahagi ng Kapuso star sa Instagram ang screenshot galing sa website kung saan nakapaskil ang ilang larawan ng aktres.


Sa caption, nakalagay na si Jackie Rice ay “Filipino actress” na “willing” mag-serbisyo sa “Manila Bookings Premium VIP members only.”

Nakalagay din na ang rate daw ng aktres ay “PHP2 million = 3 hours – 2 pops.”

Pabiro namang sinabi ni Jackie na, “Please check their site and book me now.”

Nag-post din ang aktres ng ilang screenshot ng private messages sa kanya na pabiro niya ring sinagot at tinawanan.



“Goodnight no worries natatawa nalang ako sa gumawa kaya pinost ko pa,” sagot niya sa isang kausap.


Si Jackie ay nanalong Female Ultimate Survivor sa GMA-7 reality show na “StarStruck” Season 3 noong 2005.

Dahil sa isyu, nag-trending ang aktres sa Twitter kaya sa isa niyang post sinabi niyang, “13 years sa showbiz. Still trending padin. Thank you social media 🥳 here’s my walang butt and buts for all.”

 

View this post on Instagram

 

13 years sa showbiz. Still trending padin. Thank you social media 🥳 here’s my walang butt and buts for all 😜

A post shared by Jackie Rice (@_jackierice) on

Sa huling hirit ng aktres tungkol sa isyu, nag-post siya ng picture sa Instagram na may caption na “#roadtomillionaire”.

Sinuportahan naman siya ng kanyang followers na naniniwalang hindi totoo ang isyu kaya’t “hindi defensive” at tinatawan lang ito ni Jackie.

 

View this post on Instagram

 

#roadtomillionaire 💶💷💵

A post shared by Jackie Rice (@_jackierice) on

Facebook Comments