Naglabas ang Department of Education (DepEd) ng karagdagang Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) para sa lahat ng pampublikong paaralan sa bansa.
Ito ay upang mapalakas ang COVID-19 response ng mga eskwelahan.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, ang pandemya ay nananatiling hamon sa paghahatid ng dekalidad na edukasyon kaya kailangang magpatupad ng fiscal policies para suportahan ang stakeholders.
Nasa ₱3.7 billion na dagdag pondo ang inilaan para sa MOOE at ipapamahagi ito sa 16 Regional Offices, 213 Division Offices, at 44,851 public schools sa buong bansa.
Sinabi naman ni Education Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla, ang dagdag na pondo ay gagamitin din para sa reinforcement ng bagong normal set-up at pagpapatupad ng minimum health requirements.
Dagdag pondo aniya ito para sa proteksyon ng teaching at non-teaching personnel laban sa COVID-19.