Umano’y pag-anib ni Sec. Dizon sa campaign team ng isang presidential aspirant, pinabulaanan ng Palasyo

Mariing pinabulaanan ng MalacaƱang ang lumabas na ulat na bahagi na umano ng campaign team ng isang tumatakbong presidente si National Task Force (NTF) Deputy Chief Implementer at Testing Czar Sec. Vince Dizon.

Ayon kay Cabinet Secretary at Acting Spokesperson Karlo Nograles walang katotohanan ang lumabas na balita.

Sinabi ni Nograles na nananatiling miyembro ng gabinete si Dizon at patuloy na nagta- trabaho bilang Presidential Adviser for COVID-19 response.


Nakapokus si Dizon sa vaccination efforts ng pamahalaan at hindi sa anumang political campaign.

Lumabas kasi kahapon sa isang artikulo na umano ay parte ng campaign team ni Manila Mayor Isko Moreno si Dizon.

Facebook Comments