P3-M halaga ng ecstacy at kush, nasabat sa Pasay City

Muling nakasabat ang mga tauhan ng Bureau of Customs ng iligal na droga na ipinasok sa bansa sa pamamagitan ng mga parcel mula sa The Netherlands.

Ayon sa Customs, itinago sa microwave ang kabuuang 1,681 na tableta ng ecstacy na nagkakahalaga ang mga ito ng P2.8 million.

Inilagay naman sa kahon ng laruan ang 133 gramo ng high grade marijuana o kush mula sa Amerika na tinatayang nagkakahalaga ng P159,600.


Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na ipadadala sana ang nasabat na ecstacy sa isang taga-Quezon City habang naka-consigned naman ang kush sa isang taga-Pasay City.

Nai-turn over na ang mga kontrabando sa Philippine Drug Enforcement Agency para sa case profiling at case build-up para sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at Customs Modernization and Tariff Act.

Facebook Comments