DENR Usec. Benny Antiporda at kaniyang misis, nagpositibo sa COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19 si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Benny Antiporda.

Sa kaniyang Facebook page, sinabi ni Antiporda na lumabas na ang kaniyang COVID-19 antigen test at kinumpirma niyang nagpositibo siya sa naturang sakit.

Nagpositibo rin ang kaniyang misis ngayon at naka-isolate na.


Nag-negatibo naman aniya ang iba nilang kasama sa bahay.

March 22 nang makaramdam si Antiporda ng pangangati ng lalamunan at pagkawala ng boses kung kaya’t nagpasiya siyang sumailalim sa COVID-19 testing.

Facebook Comments