CAUAYAN CITY – Umabot na sa halos P30 million pesos ang halagang naipamahagi ng pamahalaan sa mga dating miyembro ng makakaliwang grupo at mga apektadong komunidad ng insurhensiya sa Lambak ng Cagayan.
Ang pamamahagi ay nasa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sa pahayag ni Melisen Taquiqui, social marketing officer ng SLP ng DSWD Region 2, tuloy-tuloy ang kanilang pagbibigay tulong sa mga dating miyembro ng makakaliwang grupo at mga barangay na malaya na sa insurhesiya.
Sa 69 organizations na kanilang natulungan simula 2017, 31 rito ay mula sa Isabela, 21 ay mula Cagayan, 13 sa Quirino, at 4 naman sa Nueva Vizcaya.
Bukod dito, napagkalooban din ng Livelihood Settlement Grant (LSG) ang 432 former rebels (FRs) na nagkakahalaga ng P8.6 million pesos.