Manila, Philippines – Tinatayang tatlong daang libong piso ang halaga ng mga napinsalang ari-arian sa sumiklab na sunog sa lungsod ng Pasay.
Ayon kay City Fire Marshal, Fire Supt. Carlos Duenas, nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Ronald Rojas dahil sa napabayaang kandila.
Sa imbestigasyon, naganap ang insidente sa Brgy 23, Zone 2, David St. FB Harisson ng nabanggit na lungsod.
Mabilis aniyang kumalat sa mga katabing bahay ni Rojas ang apoy dahil karamihan sa mga ito ay gawa sa light materials.
Bukod sa mga bahay na nilamon ng apoy, apektado rin ang tinatayang limampung pamilya sa naturang sunog.
Ayon kay Duenas, idineklarang under control ang sunog pasado alas-kwatro ng hapon habang idineklara itong fire out bandang alas-otso bente tres kagabi.