P300 million badyet para maisaayos ang pasilidad sa Pag-asa Island, isinulong ni Senator Lacson

Pinabibigyan ni Presidential Aspirant Senador Ping Lacson, ng budget ang Pag-asa Island na nasa Kalayaan Island Group sa West Philippine Sea para mas mapalakas ang defense posture ng ating bansa.

Ayon kay Lacson na bumisita sa Pag-asa Island noong Nobyembre 20 bilang pinuno ng Senate Defense Committee, hindi maganda ang kasulukuyang kondisyon ng ating mga sundalo na naka destino sa lugar.

Sa panukala ni Lacson, ilalaan ang mahigit P254.2 million sa pagsasaayos ng pasilidad sa Kalayaan.


kabilang dito ang pagbili ng kailangan para sa power system, procurement ng rubber boats na may outboard motors at pagbili ng communication at iba pang mission-essential equipment para sa KIG detachments.

Pinalalaanan naman ni Lacson ng mahigit P38.5 million ang Pag-asa Island Research Station para mas magamit at mapag-aralan ang marine resources sa West Philippine Sea.

Nakapaloob dito ang pagtatayo ng dalawang-palapag na dormitory building at marine facility gayundin ang pagbili ng marine scientific and oceanographic equipment.

Kamakailan, isinulong ni Lacson ang pagpapatayo ng high school at karagdagang hardship allowances para sa mga estudyante at guro sa Pag-asa Island na mayroon lamang iisang elementary school at dalawang guro.

Facebook Comments