P3,000 Cash Assistance, Ipinamahagi ng PLGU Cagayan sa Hog raisers na Apektado ng ASF

Cauayan City, Isabela- Umabot sa kabuuang 140 sentinel pigs ang ipinamahagi sa mga benepisyaryo mula sa anim (6) na bayan sa Cagayan.

Batay sa ulat, nasa tatlumpung (30) benepisyaryo ang mula sa bayan ng Alcala; Baggao na may 15 recipients, Amulung na may 25, Solana 20, Piat 20 at Tuao 30.

Kasabay nito ay namigay rin ng tig-tatlong sako ng feeds sa bawat isang biik na matatanggap para magamit sa loob ng tatlong buwan.


Ligtas na umano sa African Swine Fever ang mga nabanggit na bayan matapos hindi makapagtala ng sakit ng baboy sa loob ng 180-araw.

Patuloy naman na oobserbahan sa loob ng 40-araw ang mga ipinamahaging biik at magsasagawa ng blood collection at masigurong ligtas ang mga baboy mula sa nakamamatay na sakit.

Kung masisigurong ligtas ang mga baboy, magbibigay ng karagdagang tatlong (3) biik mula sa Department of Agriculture na nasigurong dumaan sa pagsusuri ay biosecurity.

Samantala, ang distribusyon ng sentinel pigs ng DA sa mga probinsya ng rehiyon dos sa ilalim ng Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion (INSPIRE) program.

Namahagi naman ng tulong pinansyal ang Provincial Government ng Cagayan sa bawat tatlong baboy na sumailalim sa culling, ibig sabihin tumanggap ng P3,000 ang hog raisers sa bawat isang baboy.

Facebook Comments